Sadyang mapaglaro ang tadhana at tayo’y pinagtagpo.
Siya ba ay nangungutya o sadyang mapanlinglang lang.
Sapagkat sa sandali ng ating pagtatagpo ay umibig ako sayo.
Oo, naghilom ang sakit, nakalimutan ang lumang katipan at nagmahal  ng higit sa inaasahan.
Ng higit pa sa kayang ibigay.  
Pero ano itong luha at dalamhating hatid ng mga bathala at ni kapalaran at tayo ay pilit pinaghihiwalay.
Hindi pa ba sapat ang nadarama natin para sa isa’t-isa para tayo ay manatili.
Manatili sa sandaling ito.
Manatili sa panahong ating nilikha.
Sadyang kay bilis, pinatikim lang sa akin ang sadaling kaligyahan.
At ngayo’y kaylangang lumisan.
Ganon pa man, maari ko bang asahan na tayo’y muling magtatagpo.
Maari ko bang ipagdasal kay bathala na sa susunod na kabanata ng ating storya ay ang panghabang buhay na kaligayan ang hatid sa ating dalawa.

 

 

Advertisements